2 Patay, 11 Sugatan nang sumalpok ang Van sa Truck Sa Bago CIty, Negros Occidental

Image may contain: night, tree, outdoor and nature


November 5, 2018 - Sumalpok ang isang pampasaherong van sa isang nakaparadang trak bandang 5:10 kaninang Lunes ng umaga sa bahagi ng National Road na sakop ng Brgy. Calumangan, Bago City, Negros Occidental.

2 ang nasawi at 11 naman ang sugatan sa naganap na aksidente. Kabilang sa mga nasugatan ay ang tatlong Non-Uniformed Personnel ng PNP na patungo sana sa Iloilo. Dinala ang mga sugatan sa malalapit na hospital ng lungsod.  Dead on arrival naman ang helper ng van at isang pasahero na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Nasa kostudiya na ng local police ang driver ng Foton van na si Benjie Gamarza. Ayon sa ulat, posibleng nakatulog raw si Gamarza kaya sumalpok ang minamanehong van sa nakaparadang truck sa outer lane.



Image may contain: one or more people, grass, outdoor and nature

Image may contain: one or more people, plant, outdoor and nature

Image may contain: plant, outdoor and nature
Photo Credits: GC Regalia




Comments

Popular posts from this blog

Art Guma of PBB Otso Alleged Video Scandal

Jao Mapa denies alleged video scandal with Carlos Agassi