BAGONG LABAS NA MUSIC VIDEO NI TONI FOWLER NA "MPL" BINATIKOS SA SOCIAL MEDIA
Kamakailan lamang nang inilabas ni Fowler ang music video ng kanyang kantang "MPL" na tampok ang Newbreed. As of posting, ang MV ay nakakuha na ng mahigit 1.3 million views. Gayunpaman, ang music video ay binatikos nang husto dahil sa nilalaman nito.
Habang marami ang bumabatikos sa music video, may mga nagsalita naman para ipagtanggol ito. Kabilang sa kanila ang “Diss King” na si Mark Jayson Warnakulahewa na kilala rin bilang Makagago Wazzup Man.
Sa
isang video na ipinost niya sa YouTube, idiniin niya na ang ipinakita ni Toni
Fowler sa music video ay isa ring “art.” Pagkatapos ay nag-react siya sa mga
netizen na sarkastikong sinasabi na ang anak ni Toni na si Tyronia ay "proud"
sa kanyang ina dahil sa naturang "obra maestra."
Comments
Post a Comment