Posts

Showing posts from February, 2023
Image
  BAGONG LABAS NA MUSIC VIDEO NI TONI FOWLER NA "MPL" BINATIKOS SA SOCIAL MEDIA Kamakailan lamang nang inilabas ni Fowler ang music video ng kanyang kantang "MPL" na tampok ang Newbreed. As of posting, ang MV ay nakakuha na ng mahigit 1.3 million views. Gayunpaman, ang music video ay binatikos nang husto dahil sa nilalaman nito. Samantala, pinagtanggol naman ni Makagago si Toni Fowler matapos siyang binatikos dahil sa kanyang music video. Habang marami ang bumabatikos sa music video, may mga nagsalita naman para ipagtanggol ito. Kabilang sa kanila ang “Diss King” na si Mark Jayson Warnakulahewa na kilala rin bilang Makagago Wazzup Man. Sa isang video na ipinost niya sa YouTube, idiniin niya na ang ipinakita ni Toni Fowler sa music video ay isa ring “art.” Pagkatapos ay nag-react siya sa mga netizen na sarkastikong sinasabi na ang anak ni Toni na si Tyronia ay "proud" sa kanyang ina dahil sa naturang "obra maestra."