Dead on the spot ang isang official ng Youth Council mula sa Malolos City, Bulacan matapos mabangga ang minamanehong sports car


Dead on the spot ang isang official ng Youth Council mula sa Malolos City, Bulacan matapos mabundol ng minamanehong sports car ang isang jeep at ilang bahay ngayong umaga sa bayan ng Plaridel, sa Bulacan.

Ang Sangguniang Kabataan (SK) President ng Malolos City na si Mark Paolo Sandiego Manaysay, 24 na taong gulang ay nagmamaneho ng isang kulay-abo na sports car ngayong umaga nang mangyari ang insidente.

Ang insidente ay naganap sa Barangay  Sto. Niño, alas-2 ng madaling-araw kung saan nawasak diumano ang naturang sports car.

Sugatan ang ulo at leeg ni Manaysay dahil sa matinding impact ng kanyang pagkabangga na ikinasanhi ng kanyang pagkamatay. Pahirapan din ang mga rescuer sa pag-alis sa kanya sa sasakyan at kinailangan pang gumamit ng cutter.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at tagasuporta ni Manaysay  sa social media.
Ito naman ang caption ng profile photo ni Manaysay sa kanyang account:

                 “Life is short … parang yung shorts ko (like my shorts).”





Comments

Popular posts from this blog

Art Guma of PBB Otso Alleged Video Scandal

Jao Mapa denies alleged video scandal with Carlos Agassi