VIRAL! THE PROPOSAL AND WEDDING OF TEDDY CORPUZ DURING THE MAGPASIKAT WEEK




Teddy, nag-propose at pinakasalan ang asawa sa “Magpasikat Week” at pinaiyak ng team nina Vice Ganda, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz ang madlang people nang mag-propose at pakasalan ni Teddy ang kanyang asawa sa national TV para sa kanilang trending na “Magpasikat Week” performance sa “It’s Showtime.”
Matapos ang madamdaming kanta at reverse poetry na handog nina Jugs at Vice, ginulat ni Teddy si Jasmine, ang kanilang dalawang anak, at ang mga manonood nang bigla siyang lumuhod at tanungin ang kanyang asawa ng “Will you marry me again?”
Hindi pa doon nagtapos ang sorpresa dahil biglang binihisan si Jasmine ng wedding gown at humarap sa altar para sa kanilang kasalan, kung saan inihayag ni Teddy ang kanyang walang hanggang pag-ibig para kay Jasmine.
Marami ang bumilib kay Teddy kaya naman agad-agad na naging trending topic sa Twitter sa buong bansa at worldwide ang hashtag na #MagpasikatJugsTeddyVice at umani ng libo-libong views sa “It’s Showtime” online.
Umani rin ang konsepto ng standing ovation mula sa mga hurado, kabilang na ang direktor na si Rory B. Quintos na sinabing “thematically brilliant” ang buong performance. Napaluha at napangiti rin nito sina Maricel Soriano, Marc Logan, Ina Raymundo, at Janno Gibs.

Read Full Story Here

Comments

Popular posts from this blog

Art Guma of PBB Otso Alleged Video Scandal

Jao Mapa denies alleged video scandal with Carlos Agassi